MANILA, Philippines- Iniulat ng Deparment of Health (DOH) na binubuo ang karamihan ng road traffic accidents noong Semana Santa ng motorcycle-related accidents.
Mula Abril 13 hanggang Abril 19, lumabas sa datos ng DOH na may kabuuang 383 kaso ng aksidente sa kalsada ang naitala ng ahensya sa pamamagitan ng 50 reporting sites nito sa buong bansa.
Sa mga ito, 296 ang sangkot sa mga motorsiklo. Napansin din ng DOH na limang indibidwal ang namatay sa mga naiulat na insidente, na pawang mula sa mga aksidente sa motorsiklo.
Sinabi ng DOH na 324 indibidwal ang sangkot sa aksidente ay hindi nakasuot ng safety accessories tulad ng helmet at seatbelts.
Ang alak ay isang contributing factor sa 31 sa mga insidente, sabi ng DOH.
Sa kabila ng nakababahalang mga numero, sinabi ng ahensya na ang kabuuang bilang ay 32 porsyentong mas mababa kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Dahil dito, hinimok ng DOH ang mga motorista na magmaneho nang ligtas, lalo na kapag babalik sa trabaho pagkatapos ng mahabang pahinga.
Nanawagan din ang DOG sa mga driver na magsuot ng helmet at seatbelt, iwasan magmaneho nang pagod o lasing at sundin ang mga palatandaan sa kalsada at speed limits. Jocelyn Tabangcura-Domenden