Home NATIONWIDE Mayorya ng mga Pinoy sa Lebanon naniniwalang ligtas sa Israel-Hezbollah war kaya...

Mayorya ng mga Pinoy sa Lebanon naniniwalang ligtas sa Israel-Hezbollah war kaya ‘di umuuwi – PCO

205
0

MANILA, Philippines- Maraming Pilipino sa Lebanon ang tumatangging lisanin ang bansa sa gitna ng kaguluhan sa pagitan ng Israeli forces at ng Lebanon-based Hezbollah, base kay Presidential Communications Secretary Cesar Chavez nitong Huwebes.

Inihayag ito ni Chavez sa gitna ng pagsasailalim sa Lebanon sa Alert Level 3, na nangangahuluhan ng voluntary repatriation para sa mga Pilipino roon.

“Most of Filipinos there are married to locals or household service workers employed by Christians and Sunni. They feel that they are safe since they are not the target, which is the Shiite Muslims of Hezbollah,” ani Chavez sa isang panayam.

Subalit, binigyang-diin ng opisyal na handa ang pamahalaan ng Pilipinas na tulungan ang mga Pilipino sa Lebanon na nais makauwi sa gitna ng giyera.

Dagdag niya, mayroong halos 10,000 OFWs sa Lebanon.

“We are preparing the execution of repatriation plan for the Filipinos in Lebanon,” wika ng opisyal.

“From Beirut, we will be bringing them to Cyprus. From there, we are looking at chartered flights to the Philippines,” dagdag ni Chavez.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules ang kaukulang government agencies na pakilusin lahat ng available na assets upang matiyak ang ligtas at agarang pagpapauwi sa mga Pilipino na apektado ng krisis sa Middle East.

Samantala, sinabi ni Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat kay Marcos na isasagawa lahat ng mga hakbang upang mapabilis ang exit clearances upang mapagulong na ng pamahalaan ang repatriation. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here