Home NATIONWIDE Mayorya ng mga Pinoy tiwala sa AFP – sarbey

Mayorya ng mga Pinoy tiwala sa AFP – sarbey

MANILA, Philippines- Napag-alaman sa resulta ng AFP-commissioned survey, na inilabas nitong Huwebes, na “100 percent” ng adult Filipinos ang “aware” sa AFP, mas mataas sa 89 percent noong October 2023.

Ayon sa OCTA, nakatanggap ang AFP ng matataas na ratings para sa trust and satisfaction noong 2023.

Lumabas sa OCTA Research survey na isinagawa sa fourth quarter ng 2023 na nalalaman ng lahat ng respondents ang Armed Forces of the Philippines (AFP)—kung saan narinig, nabasa, o nakita na nila ang tungkol dito, kung saan mayorya sa kanila ang kuntento sa pagsasakatuparan nito ng tungkulin at malaki ang tiwala sa organisasyon.

“According to the findings of the survey, the AFP received consistently high ratings for trust and satisfaction in 2023. As per the OCTA survey, the AFP emerged as one of the most trusted and top-performing government agencies in 2023,” ayon sa ulat ng OCTA .

Sa mga nakakaalam sa AFP, 86 percent ang kuntento sa accomplishments ng AFP, habang 2 percent ang dissatisfied, na nagresulta sa net satisfaction rating na +84.

“The AFP’s net satisfaction rating rose by five points in all areas except in Mindanao, where it was down by three points. By socioeconomic class, the AFP’s net satisfaction rating sharply went up by 14 points for Class ABC but slightly fell by one point for Class D,” anito.

Batay pa sa survey, 87 percent ng adult Filipinos ang nagsabing tiwala sila sa AFP, kumpara sa 2 percent na nagsabing hindi, na nagresulta sa net trust rating naa +85.

“Across different major areas, the AFP’s net trust rating ranges from +77 to +89. Its highest net trust rating is in Mindanao, followed by Visayas +88, while its lowest net trust rating is in NCR,” wika ng OCTA.

“Regarding socioeconomic classes, the AFP’s net trust rating is highest in Class ABC (+87), which is closely followed by those in Class D and E, at +84 and +85, respectively,” patuloy nito.

Isinagawa ang Fourth Quarter 2023 “Tugon ng Masa” nationwide survey mula Dec. 10 hanggang 14, 2023, na may 1,200 respondents na kinapanayam nang face-to-face sa buong bansa.

Mayroong margin of error of na ±3 percent sa 95 percent confidence level ang nasabing survey. RNT/SA

Previous articleLaro ni Kai nag-imprub  sa Japan B League
Next article5 MVPSF PH jins nakatuon sa pagpasok sa Paris Olympic, Paralympic