Home SPORTS 5 MVPSF PH jins nakatuon sa pagpasok sa Paris Olympic, Paralympic

5 MVPSF PH jins nakatuon sa pagpasok sa Paris Olympic, Paralympic

MANILA, Philippines – Babandera si Tokyo Olympian Kurt Bryan Barbosa sa koponan ng Pilipinas na magsasagawa ng aksyon sa 2024 Asia Qualification Tournament para sa 2024 Paris Olympics at Paralympic Games na nakatakdang Marso 15-17 sa Tai’an City, China.

Naniniwala ang Philippine Taekwondo Association (PTA) na ang mga miyembro ng MVP Sports Foundation Philippine team – tatlong lalaki at dalawang babae – na may kakayanang sumabak ng malaliman sa global showpiece na nakatakda mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11.

Babawi si Barbosa matapos ang isang magiting ngunit bigong bid hindi lamang sa Tokyo Games kundi maging sa Asian Games noong nakaraang taon sa Hangzhou, China.

Bukod kay Barbosa, sasabak sa -58kg., ang iba pang miyembro ng Philippine team na suportado ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission ay sina Asian Games veteran Arven Alcantara (68kg.), Tachiana Keizha Mangin (-49kg) at Baby Jessica Canabal (-57kg).

Si Allain Keanu Ganapin ang nag-iisang para athlete ng bansa at sasabak sa K44 (-80kg.)

Ang Philippine team ay pamumunuan ni Raul Samson habang ang mga coach ay sina Carlos Jose Padilla V, Christian Al Dela Cruz at Gershon Bautista (para).

Ang mga tradisyunal na powerhouse tulad ng Iran, Japan, Taipei, Vietnam, Saudi Arabia, Qatar, at Thailand ay kabilang sa 35 bansang kalahok sa prestihiyosong event na nag-aalok ng mga slot sa Paris Olympics at Paralymics.

Previous articleMayorya ng mga Pinoy tiwala sa AFP – sarbey
Next articleBong Go sa NAIA pest infestation: ‘NAKAHIHIYA SA MGA BISITA’