MANILA, Philippines — Patuloy ang paghahanap ng makakasagupa para kay Manny Pacquiao.
Tatlong buwan matapos ang kanyang pagbabalik laban kay Mario Barrios, patuloy pa rin sa paghahanap ang Filipino icon kung sino ang sunod niyang makasasagupa.
Nitong nakaraang araw, lumabas ang balita na ang streaming higanteng Netflix ay nagbabalak na magsagawa ng rematch sa pagitan nina Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. sa 2026 — o mahigit isang dekada mula nang unang maglaban ang dalawang boxing superstar.
Kinumpirma ni Pacquiao na ang retiradong si Mayweather ay kabilang talaga sa mga ikinokonsidera niya para sa kanyang planong pagbabalik ng ring sa unang bahagi ng susunod na taon.
“There’s a lot of ongoing negotiations right now, so it’s hard to preempt what fight I’m going to push through,” sabi ni Pacquiao.
“I’m waiting for the final negotiations,” hirit ni Pacquiao.
Isa pang pangalang lumulutang ay si Vasiliy Lomachenko, isa ring retiradong dating kampeon, gaya ni Mayweather, ay isang malupit na pound-for-pound fighters.
“There’s a possible rematch with Floyd Mayweather, and also a fight with Lomachenko and other fighters,” ani Pacquiao na magiging 47-year-old sa December.
Nakasama sa listahan na pagpipilian sina Mayweather at Lomachenko mula sa orihinal na nakalistang kalaban ni Pacquiao na si reigning World Boxing Association welterweight Rolly Romero.
Pero halatang nakatuon talaga ang atensiyon ni Pacquiao ay Mayweather na tumalo sa kanya via decision noong 2015, isa sa pinaka-richest fights sa history ng boxing.
“I’d love to have a fight, a rematch with Floyd Mayweather. I hope we can understand each other and we can negotiate well,” hirit ni Manny.
Nang tanungin kung kailan pipirmahan at seselyuhan laban, sinagot ni Pacquiao na “soon”.JC