MANILA, Philippines – Kinansela na ang inaabangang laban sa pagitan nina Conor McGregor at Michael Chandler sa UFC 303 sa Hunyo 29 sa Las Vegas, ayon kay UFC president Dana White kahapon.
Nakatakda sanang mag-headline si McGregor (22-6) sa event ngunit naunsiyame dahil sa injury. Ito ang unang pagkakataon sa makasaysayang UFC career ni McGregor na na-pull out ito sa isang laban.
Dahil sa pangyayari, pinalitan ang main event ng light heavyweight title fight sa pagitan nina Alex Pereira at Jiří Procházka, ayon kay White.
Nag-anunsyo din si White ng dalawa pang bagong laban sa card: makakaharap ni Diego Lopes si Brian Ortega sa co-main event at si Carlos Ulberg ay lalaban na ngayon kay Anthony Smith sa isang light heavyweight bout.
Ayon kay White, ang sellout na event ay nakatakdang gumawa ng rekord para sa UFC, na may live na gate na higit sa $20 milyon.
Hindi inanunsyo ng UFC kung ang nontitle welterweight bout sa pagitan nina McGregor at Chandler ay muling iiskedyul.
Si McGregor, 35, ay nakatakdang sanang bumalik sa kumpetisyon sa unang pagkakataon mula nang magkaroon siya ng bali sa paa sa TKO na pagkatalo kay Dustin Poirier noong Hulyo 2021.
Ang dating featherweight at lightweight champion ay apat na beses pa lang lumaban mula noong blockbuster boxing match laban kay Floyd Mayweather Jr noong 2017.
Si McGregor ay 1-3 sa mga pagpapakitang iyon, na may dalawang talo kay Poirier at isang submission na pagkatalo kay Khabib Nurmagomedov sa 2018 title fight.
Isang nakadidismayang pangyayari para sa fans ang pagkaunsiyame ng laban sa Hunyo, na labang naging saga sa pagitan nina nina McGregor at Chandler.
Si Chandler, isang dating kampeon sa Bellator MMA, ay unang tinawag si McGregor nang masigasig noong 2022.
Samantala, ang dating drug testing partner ng UFC, ang United States Anti-Doping Agency (USADA), ay nag-claim na ang sitwasyon ni McGregor ay humantong sa pagbuwag sa UFC program nito, dahil ang promosyon ay gustong bigyan si McGregor ng exemption ng anim na buwang pagsubok na kinakailangan kasunod ng kanyang pinsala sa binti.
Itinanggi naman ng chief business officer ng UFC na si Hunter Campbell ang akusasyon at hiniling na humingi sila ng public apology.
Ang UFC mula noon ay nakipagsosyo sa ilang iba pang ahensya upang patakbuhin ang programa nito sa droga.
Si Chandler, 38, ay hindi na lumaban mula noong paulit-ulit na pagkatalo kay Poirier sa UFC 281 noong Nobyembre 2022.JC