MANILA, Philippines- Inanunsyo ng power distributor na Manila Electric Co. (Meralco) nitong Huwebes ang karagdagang P0.6436 per kilowatt-hour sa singil nito ngayong buwan, batay sa mas mataas na charges mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).
Sinabi nitong magreresulta ito sa overall rate na P12.0575 per kWh ngayong Hunyo mula P11.4139 per kWh noong Mayo, katumbas ng halos P129 na pagtaas sa electricity bill ng isang tipikal na tahnan na may monthly power consumption na 200 kWh.
Tulad ng nakaraang billings, nagdulot ang generation charge ng overall rate adjustment, na umakyat ng P0.3466 per kWh. RNT/SA