MANILA, Philippines – Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat ngayong Miyerkules ang easterlies sa Mindanao, Palawan, Eastern Samar, at Northern Samar.
Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang kalangitan sa Bicol Region at sa natitirang bahagi ng MIMAROPA.
Samantala, makararanas ng paminsang pag-ulan o pagkulog at pagkidlat ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon dahil sa localized thunderstorms.
Iniulat din ng PAGASA na alas-2 ng madaling araw, isang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang may “medium” na tsansang maging tropical depression sa loob ng 24 oras. RNT