Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Calaca, Batangas alas-12:43 ng madaling araw nitong Miyerkules, ayon sa Phivolcs.
May lalim itong 10 kilometro at natukoy ang sentro dalawang kilometro hilaga ng Calaca.
Ramdam ang pagyanig sa ilang bahagi ng Batangas, Cavite, Laguna, Mindoro, Bataan, Rizal, at Metro Manila.
Naitala ang Intensity V sa Calaca; Intensity IV sa Alitagtag, Cuenca, at Tagaytay; Intensity III sa Quezon City, Santa Rosa, at Puerto Galera; Intensity II sa Makati, Malabon, at Cainta; at Intensity I sa BiƱan, Cabuyao, at San Pedro.
Base sa instrumental recordings, nakapagtala ng Intensity IV sa ilang bayan ng Batangas, Cavite, Muntinlupa, at Quezon; Intensity III sa Bauan, Batangas City, at Nasugbu; at Intensity II sa Abucay, Bataan, at ilang bayan sa Cavite at Laguna. Santi Celario