Home NATIONWIDE MDT ‘di pa oras na pairalin – DFA

MDT ‘di pa oras na pairalin – DFA

172
0

MANILA, Philippines- Iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa tamang panahon na sabihin ng Pilipinas na sa kamakailang water cannon attack ng China sa Philippine personnel ay nangangailangan nang pairalin ang Mutual Defense Treaty (MDT) ng Washington sa Manila.

“I think it’s a bit early [for it to warrant an MDT],” ani DFA spokesperson Ma. Teresita Daza sa isang joint press conference kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at ang National Security Council (NSC).

Nitong Linggo, sinabi ng US State Department na binantaan ng China ang peace at stability sa Indo-Pacific matapos hindi bababa sa 10 Chinese vessels ang magsagawa ng delikadong maneuvers laban sa Philippine boats at vessels sa Ayungin Shoal, bahagi ng Philippine waters.

Anang Washington, pinagtitibay nito ang commitment na iiral sa armed attack sa Philippine public vessels, aircraft, at armed forces—kabilang ang sa Coast Guard sa South China Sea—ang US mutual defense commitments sa ilalim ng Article IV ng 1951 US Philippines Mutual Defense Treaty.

Subalit pinag-uusapan pa umano ang mga teknikal na depinisyon ng iba’t ibang termino, base kay Daza.

Hindi pa rin tumutugon ang US Embassy sa Manila sa hirit ng media na linawin ang sitwasyon na magpapagana sa MDT. RNT/SA

Previous articleEx-DILG Undersecretary Martin Diño pumanaw na
Next articleMisyon ng NTF-ELCAC tapusin na – Gadon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here