Home METRO Media Action Center ng PNP ikinasa sa Bulacan para sa Eleksyon 2025

Media Action Center ng PNP ikinasa sa Bulacan para sa Eleksyon 2025

245
0

MANILA, Philippines- Opisyal nang ikinasa ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO) ang Media Action Center (MAC) na umano’y makapagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko kaugnay sa papalapit na National and Local Elections (NLE) nitong Mayo 12, 2025.

Ayon sa report, inumpisahan ang pagpapagana ng MAC ng mga awtoridad bandang alas-3 ng hapon nitong Mayo 7, alinsunod sa direktiba ng Police Regional Office 3 at pagsuporta sa inisyatiba ng  Commission on Elections (Comelec) para sa safe, orderly at credible electoral process.

Nabatid na ang MAC ay magseserbisyo 24/7 bilang communication hub ng mamamahayag at publiko na makakuha upang kaukulang opisyal na impormasyon at makapag-ulat ng election-related concerns.

Gayundin ang pagtiyak sa mabilis at saktong impormasyon mula sa mga pulis patungo sa komunidad sa kabuuan ng rehiyon.

Kaugnay nito, walang puknat ang inspeksyon ni PCOL. Franklin Estoro Officer-in-Charge ng BPPO sa lahat ng istasyon, platun at mga yunit para tiyakin ang kanilang kahandaan para sa ligtas, maayos at mapayapang halalan.

Sinasabing kabilang rin sa inspeksyon ang pagsuri sa body-worn camera, Hytera radio at Zello app bilang bahagi ng paghahanda sa nasabing aktibidad. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here