MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3) nitong Sabado na tinatanggap na ang cashless payment sa Edsa railwayline.
“Pwede nang masubukan ang cashless payment sa MRT-3 kasunod ng pilot testing ng GCash para sa contactless payment option sa lahat ng istasyon ng tren!” abiso ng DOTr-MRT3 sa isang social media post.
“Ito’y bilang tugon ng Department of Transportation sa utos ng Pangulo na gawing mas convenient at mas mabilis ang biyahe ng mga pasahero,” dagdag nito.
Sinabi ng DOTr-MRT3 na kailangan lamang magtungo ng commuters sa station ticket counters na may cashless options upang bumili ng kanilang single journey tickets. RNT/SA