Manila, Philippines – Kamakailan, natupad ni Khalil Ramos ang kanyang pangarap na makamtan ang kanyang dream car: isang Toyota Land Cruiser Prado.
Katunayan, humingi pa nga siya ng opinyon sa netizens kung igagarahe muna niya ang unit o gagawan ng overland setup.
Marami rin ang nag-congratulate sa Kapuso aktor sa bago niyang prized possession.
Lately, nagbahagi naman ang kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia ng isang bagong sasakyan: isang brand new Toyota car na may huge blue ribbon sa hood nito.
Nang mapag-usapan naman ito sa isang portal, sey ng kibitzers, pabonggahan daw ang magkasintahan sa kanilang mga bagong sasakyan.
May nang-iintriga rin na ikakasal na raw ang magkasintahan.
Ito ang ilang hirit ng mga katkatera at sawsawera.
“Wow, couple goals.”
“Pabonggahan eme ng brand-new cars.”
“Feeling ko, malapit na silang ikasal.” Archie Liao