Home NATIONWIDE Medical leave ni Legarda, pinalawig

Medical leave ni Legarda, pinalawig

1
0

MANILA, Philippines – Nagpatuloy sa medical leave si Sen. Loren Legarda mula Setyembre 7 hanggang 9 at muli mula Setyembre 14 hanggang 16, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug nitong Lunes.

Kinumpirma ni Bantug na ito na ang ikalimang sunod-sunod na medical leave ni Legarda matapos umanong magkaroon ng “serious” na karamdaman.

“Yes. For Sept 7-9 and 14-16,” sabi ni Bantug sa text message nang tanungin kung naghain muli ng medical leave ang senador.

Unang nag-file si Legarda ng medical leave noong Agosto 3 hanggang 5 at mula noon ay nagpa-extend na nito bawat Lunes hanggang Miyerkules sa mga sumunod na linggo.

Nauna nang sinabi nina Senate President Sherwin Gatchalian, Senate Majority Leader Migz Zubiri at Sen. Panfilo Lacson na nakararanas si Legarda ng problema sa baga at sumasailalim sa gamutan.

Iniulat ding umalis ng bansa si Legarda noong Agosto 2, ilang araw matapos ipahayag ng Office of the Ombudsman na sasailalim siya at ang kanyang anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste sa preliminary investigation kaugnay ng umano’y P10-bilyong “ghost” solar power projects. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here