Home NATIONWIDE Medical officer ng NPA arestado sa Bicol

Medical officer ng NPA arestado sa Bicol

201
0

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad sa Cebu City ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) na itinuturing na most wanted sa Bicol Region ngayong buwan, ayon sa Police Regional Office-Bicol (PRO-5) nitong Biyernes, Enero 16.

Kinilala ng PRO-5 ang suspek sa alyas na “Rudy,” 54, na dinakip nitong Huwebes sa bisa ng mga warrant of arrest kaugnay ng dalawang kaso ng murder, ilang kaso ng attempted murder, at arson.

Ayon kay PRO-5 Director Brig. Gen. Erosito Miranda, si “Rudy” ay nagsilbing medical officer ng Squad 2, Platoon 1 ng Komiteng Larangang Gerilya–North sa ilalim ng Sub-Regional Committee 4 ng Bicol Regional Party Committee.

Bagama’t tubong San Fernando, Masbate, matagal na umanong naninirahan ang suspek sa Cebu City bago ang kanyang pagkakaaresto.

Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa Sub-Station 9 ng Cebu City Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang proseso.

Tiniyak naman ni Miranda na magpapatuloy ang PRO-5 sa mga intelligence-driven operations upang sugpuin ang kriminalidad at mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa rehiyon ng Bicol. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here