Home ENTERTAINMENT Meet, Greet & Bye, na-rated G ng MTRCB!

Meet, Greet & Bye, na-rated G ng MTRCB!

459
0

Manila, Philippines – Rated G ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikulang “Meet, Greet & Bye.”

Ibig sabihin, puwede sa lahat ng edad ang pelikula na tampok sina “Diamond Star” Maricel Soriano, Piolo Pascual, Joshua Garcia, Belle Mariano at Juan Karlos Labajo.

Dinirek ni Cathy Garcia-Sampana, ang pelikula ay nagbibigay ng isang simple, ngunit makapangyarihang kuwento tungkol sa pamilya, pagmamahal at pagpapatawad na humuhubog sa ating pagkatao.

“Ang pelikula ay tiyak na kapupulutan ng aral at siguradong makaka-relate ang pamilyang Pilipino,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto.

Bukod sa “Meet, Greet & Bye,” ilang pelikula rin ang nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB.

Ang American heist film na “Now You See Me: Now You Don’t” ay rated PG (Parental Guidance), para sa mga edad 13 pababa, basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.

PG rating din ang biographical musical drama na “Springsteen: Deliver Me from Nowhere,” na tumatalakay sa buhay ng bokalistang si Bruce Springsteen, at ang “J-Hope Tour: Hope On The Stage The Movie,” tampok ang South Korean rapper na si J-Hope.

Samantala, ang dystopian action thriller na “The Running Man” ay R-13 (Restricted-13) at para sa edad 13 pataas.

Nakasentro ang pelikula sa mapanganib na paligsahan sa loob ng 30 araw para manalo ng isang bilyong dolyar.

Ang Japanese animated film na “Jujutsu Kaisen: 0” ay binigyan din ng R-13 rating.

Hinimok ni Sotto ang mga magulang at nakatatanda na makipag-usap sa kanilang mga anak habang nanonood para linawin ang maseselang eksena.

“Hinihikayat namin ang mga magulang at nakatatanda na magkaroon ng bukas na isipan sa mga palabas na kanilang napapanood. Sa ganitong paraan, natutulungan natin ang mga bata na pahalagahan ang mga kwento sa isang responsable at positibong paraan,” sabi ni Sotto. JP Ignacio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here