CAMARINES SUR, Philippines – Sa Enero 2026, nakatakdang maging operational ang isang state-of-the-art cold storage facility na itatayo sa halagang P500 milyon, inihayag ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ang pasilidad ay idinisenyo upang mapanatili ang pagiging bago ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng mga gulay, livestock products, at maging ang mga punla.
Ito ay magbibigay-daan sa mga magsasaka ng mas mahusay na imbentaryo, mabawasan ang pagkasira, at matukoy ang profitable na oras upang ibenta ang kanilang ani.
“This is exactly what President Ferdinand Marcos Jr. envisions to help our farmers earn more and have greater control over their marketing activities,” ani Laurel.
Matatagpuan sa San Jose ang cold storage facility na nagpapakitang akma sa mga kalapit na pasilidad ng agrikultura, kabilang ang isang sentro ng pagproseso ng niyog.
Ang ahensya, katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur sa pamumuno ni Gov. Luis Raymond “Lray” Villafuerte, ay magtatayo rin ng 10-ektaryang “Bagsakan ng Bayan” upang pagsilbihan ang mga magsasaka mula sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Camarines Sur at Camarines Norte.
Ang trading post ay itatayo sa tabi ng cold storage facility.
“With these facilities, Camarines Sur will become a major agricultural hub in Bicol,” dagdag ni Laurel.
Aniya, ang Bagsakan ng Bayan ay magsisilbi hindi lamang bilang distribution at trading center kundi bilang isang strategic conduit para sa mga sariwang ani na maabot ang mga pamilihan sa Metro Manila. RNT/MND