Home METRO P748-K ‘tobats’ nasamsam sa 2 HVTs sa Lapu-Lapu City

P748-K ‘tobats’ nasamsam sa 2 HVTs sa Lapu-Lapu City

287
0

CEBU, Philippines – Arestado sa Lapu-Lapu City ang dalawang indibidwal na kinilalang high-value targets (HVTs) sa isinagawang buy-bust operation na humantong sa pagkakakumpiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P748,000 noong Sabado ng gabi, Agosto 23.

Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Lapu-Lapu City Team sa suporta ng Lapu-Lapu City Police Office Station 2, ang drug operation dakong alas-9:02 ng gabi sa Sitio Lasang, Barangay Mactan.

Kinilala ng mga awtoridad ang pangunahing target na si alyas “Rey,” 23, mananayaw at residente ng Barangay Calamba, Cebu City at ang kanyang kasabwat na si alyas “Jane,” 46, isang masahista, na tubong Barangay Calamba.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 110 gramo, buy-bust money, at isang cellphone na pinaniniwalaang naglalaman ng mga transaksyong may kinalaman sa droga.

Ang mga nasabat na droga ay isinumite sa PDEA 7 Regional Office Laboratory para sa tamang pagsusuri at disposisyon.

Sinabi ng PDEA na ang dalawang suspek ay kinukunsidera na high-value target dahil sa dami umano ng droga na kanilang hinahawakan.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang inihahanda ng mga awtoridad ang pagsasampa ng kaso sa pagbebenta ng ilegal na droga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here