Home METRO Mekaniko, drayber tiklo sa P1M shabu sa Quezon

Mekaniko, drayber tiklo sa P1M shabu sa Quezon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang train mechanic at van driver sa ikinasang buy bust operation nitong Biyernes, Agosto 4 sa Purok 1, Barangay 3, Lucena City dahil sa hinihinalang shabu.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Edison Villegas, alias “Edwin,” single, 40-anyos, ng Barangay Isabang, at Francisco Ureta, alias “Acal,” 62, residente ng Barangay Bagumbayan, Mauban, Quezon.

Ayon kay Quezon police chief Police Col. Ledon Monte, ang dalawang suspek ay kabilang sa street-level individuals kung saan nakuha rito ang 11 sachet ng shabu na may timbang na 52.1 gramo at street value na P1,062,840.

Nakuha rin sa kanilang ang mga cellphone, van na may license plates NDC2403, at marked money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC