Home NATIONWIDE China sinalanta ng ‘heaviest rainfall in 140 years’

China sinalanta ng ‘heaviest rainfall in 140 years’

CHINA – Aabot na sa 10 ang nasawi sa matitinding pagbaha dulot ng pinakamalakas at pinakaraming ulan na ibinuhos sa loob ng 140 taon.

Ayon sa mga opisyal, ang mga nasawi ay mula sa Baoding, 150 kilometro mula sa Beijing.

Maliban dito, 18 pa ang nawawala.

Nitong Biyernes, Agosto 4, nagdala ng pinakamalakas na ulan sa record noon pang 140 taon ang bagyong Doksuri sa mainland China.

Hanggang nitong Sabado, Agosto 5, mahigit 600,000 sa 11.5 milyong residente ng Baoding ang lumikas.

Nananatili ang red alert sa Beijing dahil sa “geological risks” katulad ng mga landslide na may kaugnayan sa masamang panahon.

Nagpapatuloy naman ang clean-up operations sa pinsalang iniwan ng matitinding pag-ulan.

Bago ang mapaminsalang pag-ulan at baha, nakaranas din ang China ng iba pang extreme weather conditions gaya ng record-breaking heatwaves.

“China has suffered unprecedented extreme heatwaves since last year… This year, there are record-breaking high temperatures in Northern China.”

“These heatwaves are linked to global warming, and this is what most climate scientists around the world tend to agree.” RNT/JGC