Home METRO Carnapper arestado ng NBI

Carnapper arestado ng NBI

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation – Western Mindanao Regional Office (NBI-WEMRO) ang Rank 1 most wanted person ng PNP RHPU IX sa isang operasyon sa Zamboanga City.

Sa release ng NBI, ang suspek na si Julie Frances Sicat Go ay may kinakaharap na kasong paglabag sa Section 3 ng R.A. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016).

Nag-ugat ang operasyon mula sa imbestigasyon at paghahain ng kaso laban sa suspek dahil sa iligal na aktibidad nito.

Katuwang ng mga operatiba ng NBI-WEMRO ang PNP RHPU-IX sa operasyon.

Inirekomenda ng Office of the Prosecutors ng Zamboanga ang paghahain ng impormasyon laban sa suspek.

Nakitaan ng probable cause at warrant of arrest laban kay GO sa Branch 35 RTC 9.

Bunsod nito, ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ay ipinatupad ang warrant of arrest laban kay Go sa Zamboanga City noong May 1. Jocelyn Tabangcura-Domenden