Home NATIONWIDE May 15, 2024 idineklarang special non-working day sa Sariaya, Quezon

May 15, 2024 idineklarang special non-working day sa Sariaya, Quezon

MANILA, Philippines – Idineklara ng Malacañang ang Mayo 15, 2024 bilang special non-working day sa Sariaya, Quezon para sa selebrasyon ng Agawan Festival.

Pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Mayo 6 ang Proclamation 537 na nagbibigay ng pagkakataon sa mga residente ng Sariaya na makiisa sa selebrasyon ng pista.

Ang Agawan Festival ay taunang agricultural festival bilang pagkilala kay Saint Isidore the Laborer, ang patron ng mga magsasaka. RNT/JGC