Home METRO 2 armadong motornapper ng ‘Aerox’ nadakma sa hot pursuit ops sa Bulacan

2 armadong motornapper ng ‘Aerox’ nadakma sa hot pursuit ops sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang dalawang armadong lalaking motorcycle rider matapos manutok ng baril at mang-agaw ng motorsiklo sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Eric Gurap, 25, at John John Baleros, 29 kapwa residente ng NHV phase 7, Brgy. Tigbe, Norzagaray.

Sa report ng SJDM police station kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nangyari ang insidente bandang 2:00 ng madaling araw nitong Mayo 6 sa kahabaan ng Governor F. Halili Road, Brgy. Gaya Gaya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, paparada ang biktima nagngangalang Rogelio nang dumating ang dalawang lalaking lulan ng itim na motorsiklo sabay tutok ng baril at kinuha ang kanyang Yamaha Aerox.

Agad na humingi ng tulong ang biktimang rider sa mga pulis ng PCP2 at SWAT na nagsagawa ng dragnet at hot pursuit operation sa tandem na sumibat sa direksyon ng Brgy. Muzon.

Sinasabing nagresulta ng armed comfrontation ang pagtugis hanggang bumangga ang suspek na si John John lulan ng Aerox sa Toyota Innova kaya naaresto habang nadakma ng SWAT ang kasamahan kalaunan.

Nang rekisahin ng mga awtoridad ang suspek na si Eric ay ang samut-saring improvised firearms ang nakumpiska sa kanya.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang mga suspek habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III