Home ENTERTAINMENT Melai, lagare sa raket sa maysakit na magulang!

Melai, lagare sa raket sa maysakit na magulang!

161
0

Manila, Philippines – Kung kinikita lang niya ang pag-uusapan ay sapat lang ‘yon para sa mga pangangailangan ni Melai Cantiveros para sa kanyang asawa’t dalawang anak.

To date, tatlo ang regular na show meron ang TV host-comedienne.

Ito’y ang Magandang Buhay, PBB at ang Visayan talk show sa YouTube channel ng ABS-CBN na Kuan On One.

Ani Melai, ang pagkakaroon niya ng walang patlang na trabaho’y mga biyaya mula sa Panginoon.

Ito ang dahilan kung bakit nakakaya raw niyang tustusan ang mga pangangailangang medikal ng kanyang mga may-edad na ring magulang.

Ang kanyang ina raw ay nagsu-survive with only one kidney.

Samantala, aabot sa 100k ang pagpapagamot sa kanyang ama na meron namang prostate cancer.

Ang lahat ng ito’y ibinahagi ni Melai sa vlog interview ni Bernadette Sembrano.

Aniya: “Saan ko kukunin ang mga ‘yon, eh, may sarili na rin akong pamilya? Kaya itinuturing kong blessing ang mga trabahong dumarating sa akin para maipantulong ko sa mga magulang ko.”

The One up there sure knows who should be showered with more blessings.

Palibhasa’y may magandang hangarin, walang dudang dumarating ang mga biyaya kay Melai.

Atta girl! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here