Manila, Philippines – Sobra ang ibinibigay na suporta ng real life sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa isa’t-isa pagdating sa kanilang mga career.
Ito ay kahit na hindi sila magkasama sa recent projects nila sa GMA-7.
Sey pa ni Bianca, iginagalang daw niya ang desisyon ng management na hindi muna sila magtambal sa anumang proyekto.
Ayon pa sa aktres, inspirasyon daw niya ang nobyo sa lahat ng kanyang ginagawa.
Hirit pa niya, naniniwala raw siyang hindi lang naman siya ang nabe-bless ni Ruru kundi pati na ang mga katrabaho nito kasama na ang mga ‘babae’ nito sa seryeng “Black Rider.”
Nang tanungin naman ang Kapuso actress kung ano ang masasabi niya sa mga leading ladies ng kanyang boyfriend na si Ruru, ito ang kanyang naging sagot: “Actually ang masasabi ko sa kanila, I hope that they enjoy working with Ruru and sana habang wala ako kayo muna ang mag-alaga sa aking pinakamamahal.
“Because I trust Ruru and he deserves wherever he is now.”
Ibig sabihin, kampante siya sa nobyo kaya naman ipinauubaya pa niya ang pangangalaga ng actor sa leading ladies nito.
Sa tanong naman tungkol sa posibilidad na magkaroon siya ng cameo role sa hit action series ni Ruru na Black Rider, ito ang bulalas niya.
“Secret. Bakit hindi? Posibleng mangyari, posibleng hindi, pero posible rin,” pagtatapos niya. Archie Liao