Home ENTERTAINMENT Melai, may dasal para kay Kris!

Melai, may dasal para kay Kris!

158
0

Manila, Philippines – Hindi na iba kay Kris Aquino ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ninang kasi nila ang Queen of All Media sa kasal.

Karangalan ngang madalaw ng couple si Kris na patuloy na nagpapagaling pa rin.

In her social media post, ibinahagi ng host-comedienne ang dinner nila together.

Kasama rin nina Melai at Jason sina Josh, Bimby, Jasmin Pallera at Darla Sauler.

Pabiro ngang caption ni Melai (pero binawi din niya) na: “Babalik na sa TV si Ms. Kris…char char lang!”

Saad pa ni Melai, whether or not ninang daw nila si Kris sa kasal ay dadalawin pa rin nila ito.

Pero ang nagpasaya kay Melai ay hindi lang ang dinner treat ni Kris kundi ang makita niyang nanumbalik na ang appetite o gana nitong kumain.

Kaya naman patuloy ang dasal ni Melai ng “full healing” para kay Kris na bet na bet na niyang magbalik-TV sa lalong madaling panahon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here