Home ENTERTAINMENT Melai, nagsalita na sa isyung pagpapa-face lift!

Melai, nagsalita na sa isyung pagpapa-face lift!

Manila, Philippines – Self-love includes self-enhancement.

Hindi naman siguro vanity na matatawag if an individual wishes to improve his physical appearance lalo pa’t celebrities are generally expected to look good.

Pero hindi ganito ang pananaw ni Melai Cantiveros.

Aniya, sa iba na lang daw ipaubaya ang pagpapaganda sa pamamagitan ng pagpaparetoke.

Count her out.

Napansin kasi ng maraming reporter ang kawalan ng pagbabago sa mukha ng dating Pinoy Big Brother housemate.

How Melai looked inside Bahay ni Kuya is how she still looks today: walang pagbabago.

Marami kasi ang nag-suggest sa kanya noon na iparetoke ang kanyang ilong.

Nag-volunteer na nga raw ang ninang nila sa kasal ni Jason Francisco na si Dra. Vicky Belo na ayusin ang kanyang ilong.

Much as Melai wanted ay tutol daw si Jason sa nose job na nais mangyari ng kanilang ninang.

Only then did Melai realize na tinanggap nga siya nang bonggang-bongga ni Jason nang walang retoke, aasamin pa ba naman niyang baguhin ang kanyang ilong?

May nagpayo rin kay Melai to undergo dental job para magpantay ang kanyang mga ngipin.

Kinunsidera ni Melai ang advice na ‘yon by wearing braces para magdikit-dikit ang mga ngipin niya.

Pero ayon daw sa kinunsulta niyang dentist, tatlong taon daw siya kailangang mag-soft diet with her braces on.

Hayun, nag-back out siya!

Katwiran ni Melai, okey na raw na huwag na siyang magsuot ng braces.

Tutal naman daw ay hindi naninilaw ang kanyang mga ngipin.

And to top it all, hindi naman daw mabaho ang kanyang hininga!

Justified! Ronnie Carrasco III

Previous articleRemulla duda sa bintang na torture ng Degamo slay suspects
Next articleDating kandidato sa pagka-bise alkalde, nakaligtas sa tambang sa Zambo del Sur!