Home METRO Dating kandidato sa pagka-bise alkalde, nakaligtas sa tambang sa Zambo del Sur!

Dating kandidato sa pagka-bise alkalde, nakaligtas sa tambang sa Zambo del Sur!

508
0

MANILA, Philippines- Nakaligtas ang dating kandidato sa vice mayoral race noong nakaraang taon sa Tabina, Zamboanga del Sur sa isang ambush nitong Miyerkules ng gabi sa Barangay Dao-an sa bayan ng San Miguel.

Sinabi ng regional police na nasa sasakyan ang 48-anyos na si Rally Caguia Eslit kasama ang kanyang pamilya nang paputukan ng dalawang lalaki sakay ng motorsiklo ang driver’s seat.

Tinamaan si Eslit sa batok at isinugod sa San Miguel Rural Health Unit. Kalaunan ay inilipat siya sa isang pribadong ospital sa Pagadian City.

Inihayag ng mga awtoridad na nagtungo ang gunmen sa Barangay Betinan — sa bayan din ng San Miguel– matapos ang pag-atake.

Narekober naman ng mga imbestigador ang bullet slug mula sa .45 caliber pistol mula sa crime scene. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here