Home METRO ₱127M oil subsidy para sa mga mangingisda sa Mindoro, sinisilip ng DSWD

₱127M oil subsidy para sa mga mangingisda sa Mindoro, sinisilip ng DSWD

MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay ng ₱127 milyong halaga ng fuel subsidies sa mga mangingisdang apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

“We’re also in the plan of providing ₱127 million oil subsidy for the motorized and non-motorized bangka owners,” ayon kay DSWD Assistant Secretary Marlon Alagao.

Nito lamang nakaraang Abril 10, sinabi ng environmental groups na hindi sapat ang  one-time aid  na ibinigay sa mga apektadong magsasaka sa Oriental Mindoro.

Sa isinagawang survey  ng  Kalikasan People’s Network for the Environment mula Abril 1 hanggang 3, makikita na sinabi ng mga respondent mula sa munisipalidad ng Calapan at Pola na ang “ayuda”  na ibinigay sa kanila ay hindi sapat.

“As of March 26′, sinabi naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Center  na may kabuuang 172,928 residente, mayorya sa mga ito ay mula  Mimaropa ang apektado ng oil spill.

Nag-ugat ang oil spill  mula sa lumubog na tangke ng MT Princess Empress na tumaob sa Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Sa ngayon,  nananatili na lamang ang fishing ban sa tatlo mula sa 14 na munisipalidad sa lalawigan. Ang mga ito ay ang Pola, Pinamalayan, at Naujan. Kris Jose

Previous articleDating kandidato sa pagka-bise alkalde, nakaligtas sa tambang sa Zambo del Sur!
Next articleMas matatag na alyansa ng ASEAN-Korea, hiling ni Romualdez