MANILA, Philippines – Ilalabas sa susunod na linggo ang memorandum ukol sa lifestyle check ng ilang opisyal ng gobyerno.
“Most probably po magkakaroon po tayo ng memorandum, hintayin lamang po natin by next week,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing nang hingan ng update hinggil sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isailalim sa lifestyle checks ang lahat ng opisyal ng gobyerno.
“Hintayin po muna natin sa ahensiya na kaniyang pag-uutusan,” ang pahayag ni Castro nang hingan ng listahan ng mga opsiyal na saklaw ng audit.
Matatandaang, ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang lifestyle check sa lahat ng mga opisyal ng gobyerno sa gitna ng kontrobersiya sa flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ang may sakop na ahensiya naman ng gobyerno ang siyang magsasagawa ng lifestyle checks sa lahat ng patungkol sa flood control projects dahil binibigyan nila ng karampatang tiwala ang mga ito. (KRIS JOSE)