Home NATIONWIDE Mendiola tinangkang pasukin ng mga raliyista, tensyon sumiklab din

Mendiola tinangkang pasukin ng mga raliyista, tensyon sumiklab din

441
0

MANILA, Philippines – Tinangka ring pasukin ng mga raliyistang kabataan ang Mendiola kung saan nagkaroon na rin ng batuhan laban sa mga puwersa ng pulis na nakabarikada.

Sinusubukan namang umabante ng mga pulis ngunit matapang na sumusugod ang mga kabataan na pawang nakamaskara.

Ang ilang establisimyento sa paanan ng Mendiola ay minabuting magsara na lamang dahil sa nagaganap na tensyon.

Sa bahagi naman ng Recto Avenue, ilang kabataan ang sinira ang mga pag-aari ng pamahalaan kung saan pati ang street light ay kanilang pinagpapalo at tinanggal.

Gumamit ng long-range acoustic device ang mga awtoridad upang maitaboy ang mga raliyistang kabataan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang tensyon sa lugar.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here