Home HOME BANNER STORY Motor ng mga parak, sinilaban ng mga raliyista; hotel, winasak

Motor ng mga parak, sinilaban ng mga raliyista; hotel, winasak

293
0

MANILA, Philippines – Hindi rin nakaligtas sa mga kabataang raliyista ang mga establisimyento sa C.M. Recto Avenue sa Maynila.

Ngayong gabi lamang ay pinagbabasag ng mga ito ang glass door ng Sogo Hotel at pinasok ito.

Ang mga nakaparadang motorsiklo sa harap ng nasabing hotel ay tinangay din ng mga kabataan.

Maging ang dalawang motor mobile ng mga kapulisan na ginagamit sa pagtupad sa kanilang tungkulin ay dinala sa gitna ng kalsada saka sinilaban.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang mainit na kilos ng mga kabataan at sinisigaw ang “Nepal Na, Nepal Na.”

May mga sinunog ding ibang gamit at mga karatula sa gitna ng kalsada habang mayat-maya ang takbuhan ng mga raliyista.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin masasabing kalmado ang sitwasyon dahil nananatili pa rin ang mga raliyista sa kahabaan ng Recto Avenue kung saan sa dulo nito, sa bahagi ng San Sebastian, ay nakabarikada pa rin ang mga awtoridad.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here