Home OPINION PAHAYAG NG PHILHEALTH SA PAGBABALIK NG P60 BILYON PONDO

PAHAYAG NG PHILHEALTH SA PAGBABALIK NG P60 BILYON PONDO

245
0

MALUGOD na tinatanggap ng PhilHealth ang anunsyo ni Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa pagbabalik ng P60 bilyong pondo sa PhilHealth. Taos-puso kaming nagpapa­salamat sa kanyang patuloy na suporta at malasakit sa pagpapa­lakas ng sistemang pangkalusugan upang tiyakin na ang bawat Pilipino ay makatanggap ng abot-kaya at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.

Ang mahalagang hakbang na ito ay patunay na tiwala ang pamahalaan sa kakayahan ng PhilHealth na magbigay ng pro­teksyong pampinansyal sa lahat ng Pilipino. Ipinapangako namin na ang pondong ito ay gagamitin nang may buong katapatan, integridad, at transparency. Ito ay upang higit pang mapabuti at mapanatili ang mga benepis­yong natatanggap ng aming mga miyembro, lalo na sa harap ng tumataas na gastusing medikal at nagbabagong pangangaila­ngan sa kalusugan.

Nanatiling matatag ang Phil­Health sa misyon nitong maghatid ng Mabilis, Patas, at Mapagkakatiwalaang serbis­yong pangkalusugan. Makakaasa ka­yong patuloy naming pagsusumikapang pagandahin at palawakin ang aming mga benepisyo. Ka­sama ang pambansang pamahalaan at iba pang katuwang, sama-sama nating iangat ang antas ng kalusugan sa Bagong Pilipinas.

YAKAP, PINAGSABAY NA INILUNSAD NG PHILHEALTH AT DOLE

Pinangunahan nina PhilHealth Acting President and CEO Dr. Edwin M. Mercado at Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido E. Laguesma ang paglulunsad ng Yaman ng Kalusugan Program sa Yazaki-Torres Manufacturing Inc., kasabay sa paglulunsad sa apatnapu’t walong (48) sites sa buong bansa. Nitong Setyembre 16, 2025,

Bilang bahagi ng settings- based registration approach ng PhilHealth, personal na nitong nilalapitan ang mga Pilipino saanman sila naroroon, ito man ay sa kani-kanilang opisina o pinagtatrabahuhan, paaralan, o maging sa kanilang mga komunidad.

Layunin ng hakbang na ito na palawakin pa ang saklaw ng primary care at tiyaking mas mabilis itong maihatid sa publiko upang ang lahat ay maging malayo sa sakit.

Dumalo rin sa paglulunsad sina PhilHealth Regional Vice President ng PRO IV-A Dr. Edwin M. Oriña, RVP ng PRO IV-B Atty. Jerry F. Ibay at Vice President ng MMG Dr. Joseph Lachica at iba pang katuwang ng PhilHealth.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here