Home NATIONWIDE Menor de edad nasagip ng BI sa NAIA sa illegal overseas deployment

Menor de edad nasagip ng BI sa NAIA sa illegal overseas deployment

162
0

MANILA, Philippines – Naharang at nasagip ng Immigration authorities ang 17-anyos na babaeng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, ayon sa Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, Enero 31.

Ang menor de edad na kinilala sa alyas Zia ay mula sa Maguindanao del Sur, na paalis sana ng bansa patungong Saudi Arabia sakay ng Philippine Airlines flight noong Enero 24 nang matuklasan ng Immigration personnel na ang kanyang mga travel document, kabilang ang pasaporte, ay peke at sinasabing 25-anyos ito.

Si Zia ay narecruit ng Pasay City-based recruitment agency para magtrabaho bilang household service worker sa Saudi Arabia.

Sa inspeksyon, ipinresenta ni Zia ang birth certificate na nagpapakitang 17-anyos lamang ito. Siya ay underage at hindi pa maaaring makapagtrabaho sa overseas employment.

Kasunod ng pagkakaharang, agad na nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), na pormal na kumupkop sa menor de edad at nagbigay ng proteksyon, tulong at bumuo ng kaso laban sa nasa likod ng illegal recruitment attempt. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here