MANILA, Philippines – Arestado ang isang 32-anyos na lalaki matapos pagsamantalahan ang kanyang pinsan na may kapansanan sa pag-iisip sa Port Area, Maynila nitong Martes.
Kinilala ang suspek na si Ryan Sanchez, alyas Pipoy, construction worker ng Baseco Compoind, Port Area,Maynila.
Sa imbestigasyon, ang 24 taong gulang na biktima ay nasa loob ng kanyang silid na nakahiga kasama ang kanyang 3-anyos na anak nang biglang pumasok ang suspek .
Tinakot umano ng suspek ang biktima bago nito sinimulang tanggalin ang buong saplot saka isinakatuparan ang kanyang pagnanasa sa pinsan.
Sinubukang manlaban ng biktima ngunit nasukol siya ng suspek at tuluyang pinagsamantalahan habang nilalamas ang dibdib nito.
Matapos ang insidente, dumating ang ama ng biktima saka agad na isinuot ng suspek ang kanyang short at lumabas ng kwarto. Agad naman nagsumbong ang biktima sa kanyang ama kayat bandang 3:20 ng hapon ay personal na nagtungo sa MPD Baseco P.S 13 apang magsampa ng pormal na reklamo laban sa suspek.
Agad ding tumugon ang mga operatiba kaya mabilis na naaresto ang suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong Republic Act 8353 ( Rape). (Jocelyn Tabangcura-Domenden)