Home NATIONWIDE Meralco: Halos 400K customers #WalangKuryente sa hagupit ni Carina, Habagat

Meralco: Halos 400K customers #WalangKuryente sa hagupit ni Carina, Habagat

160
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Huwebes na “a little less than 400,000” customers ang wala pang kuryente sa mga lugar na apektado ni Super Typhoon Carina at ng pinalakas na Habagat.

Sa isang panayam, sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga na ang kuryente ng nasa 324,000 customer ay “deliberately disconnected due to severe flooding” sa mga sumusunod na lugar:

  • Bulacan

  • Valenzuela

  • Mandaluyong

  • Marikina

  • Pasay

  • Quezon City

  • Rizal

Samantala, ang bilang ng customers na wala pang kuryente dahil sa iba’t ibang isyu tulad ng “tripped power lines or foreign objects obstructing transmission” ay halos 68,000, base sa Meralco official.

Ani Zaldarriaga, ibabalik ng Meralco ang kuryente sa mga apektadong lugar ”once it is safe.”

“Kailangan muna siguraduhin ang safety bago ibalik ang serbisyo ng kuryente,” giit niya.

“Hind ‘yan instant,” dagdag niya, binanggit na hindi awtomatiko ang pagbabalik ng kuryente kahit na humupa na ang pagbaha.

“But rest assured, babalik kapag safe na.”

Nagdeklara ang Metro Manila Council (MCC) ng state of calamity sa National Capital Region sa gitna ng malawakang pagbaha na dulot ng Habagat at Bagyong Carina.

Hanggang nitong Huwebes ng umaga, nakalabas na si Bagyong Carina ng Philippine Area of Responsibility. Subalit, sinabi ng PAGASA na patuloy nitong palalakasin ang southwest monsoon na magdudulot ng moderate to intense rains sa western section ng Luzon. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here