Home ENTERTAINMENT Jillian, nalungkot sa fake news!

Jillian, nalungkot sa fake news!

165
0

Manila, Philippines – Sa eksklusibong panayam kay Jillian Ward sa limited talk series na My Mother, My Story ng GMA 7, hosted by Boy Abunda, sinagot niya sa kauna-unahang pagkakataon ang mga malisyosong isyu tungkol sa pagkakaroon niya ng mga mamahaling sasakyan at ang kanyang magarbong 18th birthday party noong Pebrero 2023.

Sabi ni Jillian, “First time kong mag-open up about it. First time din na interview about it.

“I just hope na nakikita nila na two years old pa lang ako, naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako.

“I think naman somehow na lahat po na meron ako is deserve ko through my hard work. I just hope na huwag silang masyadong maniwala sa fake news.

“Ganyan na po sila ever since. Parang underage pa lang ako, ang dami nang misconceptions about me.

“I think medyo unfair po siya kasi sana nakikita nila na naka-diaper pa lang ako, nagwo-work na ako [sa TV commercial].

“Hindi pa po ako nakapagbabasa, nagwo-work na ako.

“Napag-ipunan ko po lahat nang meron ako ngayon,”

Nilinaw naman ni Jillian na may mga nakihati sa mga gastos niya kaya naidaos sa isang five-star hotel ang kanyang debut noong nakaraang taon.

“Like yung sa debut, even GMA-7, nag-share sa debut party ko. Yung mga endorsement ko po, nag-share sila.

“So, kumbaga lahat ng meron ako, galing po yan sa hard work ko talaga. Sa malinis na paraan.

“So, I find it a bit unfair. Meron silang mga sinasabi na walang basis talaga.

“Parang ang cruel po kasi underage ako tapos meron silang mga sinasabi na mga scandalous na mga bagay na wala po talagang basis. Sobrang fake news.

“Ilang taon ako noon? Sixteen.”

Pagpapatuloy ni Jillian: “Yung cars ko, galing sa mga endorsement ko, sa mga taping ko.

“Ilang years na akong nagte-taping, fifteen years na next year.

“Medyo nalungkot ako dahil hindi nila nakikita yung hardwork ko.” Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here