
MANILA, Philippines – Nakaranas ng malalakas hanggang matitinding pag-ulan na may pagkidlat at malalakas na hangin ang Metro Manila at pitong lalawigan sa Luzon nitong Biyernes ng hapon, ayon sa PAGASA.
Kabilang sa mga apektadong lalawigan ang:
Rizal (Binangonan, Morong, Teresa, Angono, Antipolo, Taytay, Cainta, San Mateo, Baras, Cardona, Tanay),
Quezon (Lucena, Tayabas, Sariaya, Guinayangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Gumaca, Lopez, Calauag),
Laguna (San Pablo, Cabuyao, Calamba),
Batangas (Lipa, Mataasnakahoy, Balete, Tanauan, Talisay, Laurel, Lemery, Agoncillo, Taal, Santa Teresita, San Nicolas, Cuenca, Alitagtag),
Cavite (Indang, Alfonso, Mendez, Tagaytay, Silang, Amadeo),
Nueva Ecija(General Tinio, Palayan, Penaranda, Santa Rosa, San Leonardo), and Zambales (Botolan, Iba, Palauig).
Ayon sa PAGASA, maaaring tumagal ng hanggang dalawang oras ang sama ng panahon at maapektuhan ang mga kalapit na lugar. Inaasahan din ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Tarlac, Bulacan, Pampanga, at Bataan. Pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa. RNT