MANILA, Philippines – NAGPAHAYAG ng pag-asa si Vice President Sara Duterte na ang diwa ng Eid’l Adha ay magsilbing paalala sa mga Filipino ng sakripisyo, pananampalataya, at kabutihang-loob para sa iba.
Paalala rin aniya ito sa mga Filipino ng lakas ng loob, pagbibigayan, at malasakit sa kapwa.
Sa isang video message, binati ni VP Sara ang Muslim community para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha na kilala rin bilang Feast of Sacrifice.
“Sa okasyong ito, nawa’y magsilbing paalala sa ating lahat ang kahulugan ng sakripisyo, pananampalataya, at kabutihang-loob—mga bagay na mahalaga hindi lang sa ating pananampalataya kundi maging sa ating pang-araw-araw na buhay bilang isang sambayanan,” ayon kay VP Sara.
“Ang diwa ng Eid al-Adha ay nagsisilbing paalala ng lakas ng loob, pagbibigayan, at malasakit sa kapwa—mga katangiang lubhang mahalaga sa kasalukuyang panahon,” dagdag na wika nito.
Samantala, ang Eid al-Adha, na kilala rin bilang “Feast of Sacrifice” ay isa sa pinakamahalagang pagdiriwang sa Islam. Isa itong relihiyosong pagdiriwang sa Islam na ginugunita tuwing ika-10 ng Dhu al-Hijjah, ang ikalawang buwan sa Islamikong kalendaryo.
Ito ay nagpapahayag ng pasasalamat at pagsunod sa utos ng Diyos na ipinakita ni Abraham (Ibrahim) noong sinaunang panahon. Kris Jose