Home NATIONWIDE Romualdez itinangging nasa likod ng pagbawi ng testimonya ng ‘Maleta Boys’

Romualdez itinangging nasa likod ng pagbawi ng testimonya ng ‘Maleta Boys’

1
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni former House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang alegasyon na siya ang nasa likod ng pagbawi ng testimonya ng mga dating sundalong nag-ugnay sa kanya sa kontrobersiya sa flood control projects.

Sa isang pahayag, iginiit ni Romualdez na nagpapakita umano ng pagkiling laban sa kanya si Ombudsman Jesus Crispin Remulla.

“The Ombudsman’s accusation that I am behind the recantations of the former Marines is absolutely not true. This shows how extremely prejudiced he is against me.”

Ayon kay Romualdez, ang pagbawi ng testimonya ng mga dating sundalo ay nagpapatunay lamang umano sa kanyang naunang pahayag na gawa-gawa ang mga akusasyon laban sa kanya.

“The recantations prove what I had been saying all along that the accusations against me are false and trumped up. Hindi ganito ang patas na paghahanap ng katotohanan,” ani Romualdez.

Iginiit din niyang hindi siya magpapadala sa mga akusasyon at haharapin ang mga ito gamit ang katotohanan at ebidensya.

“I will not be intimidated. I will face every accusation against me, defend myself with the facts, the evidence, and the truth.”

Nauna nang inakusahan ni Ombudsman Remulla si Romualdez na nasa likod ng pagbawi ng testimonya ng mga dating sundalo na nagsilbi ring dating bodyguards ni former Rep. Zaldy Co. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here