Home HOME BANNER STORY 9 graft cases kaugnay sa flood control, isinampa vs Tarlac Rep. Rivera

9 graft cases kaugnay sa flood control, isinampa vs Tarlac Rep. Rivera

2
0

MANILA, Philippines – Naghain ang Office of the Ombudsman ng siyam na bilang ng graft laban kay Tarlac Rep. Noel Rivera sa Sandiganbayan dahil sa umano’y conflict of interest na may kaugnayan sa kontrobersiya sa flood control projects, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Biyernes.

“Yes, we filed. Conflict of interest and flood control,” pahayag ni Remulla sa isang press conference.

“He’s a congtractor,” dagdag niya, na tumutukoy sa isang miyembro ng House of Representatives na umano’y nananatiling may kontrol sa isang construction firm na may mga kontrata sa gobyerno.

Tig-isang kaso ang na-raffle sa First, Second, at Fourth divisions ng Sandiganbayan, habang tig-dalawang kaso naman ang napunta sa Fifth, Sixth, at Seventh divisions.

Kaugnay ang mga kaso sa Section 3(h) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na nagbabawal sa mga public official na magkaroon ng direkta o hindi direktang financial interest sa negosyo, kontrata, o transaksyong kanilang pinakikialaman bilang bahagi ng kanilang opisyal na tungkulin o ipinagbabawal ng batas na magkaroon sila ng interes.

Ang mga kaso laban kay Rivera ang ikapitong batch ng flood control-related cases na isinampa ng Ombudsman mula nang maupo si Remulla bilang Ombudsman noong Oktubre 2025. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here