MANILA, Philippines – Target ng Philippine National Police (PNP) na makakuha ng hanggang 5,000 bagong body camera para sa mga pulis, dagdag sa kasalukuyang 600 na ginagamit.
Ayon kay PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, makakatulong ang mga kamera upang makita ang mukha ng mga suspek at paligid sa panahon ng operasyon.
Bahagi ito ng layunin ng PNP na mapabuti ang oras ng pagtugon ng pulis, kung saan may pilot program na naglalayong maabot ang limang minutong emergency response sa Metro Manila. Santi Celario