Home METRO Metro Manila LGUs naghahanda na para sa La Niña

Metro Manila LGUs naghahanda na para sa La Niña

Bagong Maynila FB Page

MANILA, Philippines- Bilang paghahanda sa nagbabadyang La Niña phenomenon, nag-organisa ang Metro Manila local government units ng cleanup operations upang ibsan ang flood risks. 

Ayon sa ulat nitong Sabado, nililinis na ng Quezon City street sweepers ang mga basura mula sa nakaraang pag-ulan.

Sa Manila City, nagsasagawa ang mga opisyal ng Barangay 675, Zone 73, ng drainage at sewer declogging mula Marso.

Samantala, nagkasa na rin ang Pasay City ng regular cleanups ng waterways.

“Mayroon kaming regular talaga na cleaning up to the barangay level ng aming mga esteros and streets. And then I instructed the Engineering Office na icheck nila yung mga drainage kung may mga sira pa, and then nakikipagtulungan po kami sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) para po sa cleaning ng mga esteros and waterways,” pahayag ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano.

Magiging madalas na ang pag-ulan sa mga susunod na araw sa paglipat ng bansa sa wet season, base sa PAGASA.

Dagdag ng state weather bureau, maaaring umiral ang La Niña, kung saan makararanas ng above-normal rainfall, sa June-July-August season. RNT/SA