Home NATIONWIDE PMA valedictorian sa mga kaklase: Mga natutunan sa akademya, pahalagahan

PMA valedictorian sa mga kaklase: Mga natutunan sa akademya, pahalagahan

MANILA, Philippines- Hinikayat ni Philippine Military Academy Batch 2024 Valedictorian Cadet First Class Jeneth Elumba ang kanyang mga kaklase na isabuhay ang mga itinuro sa akademya at inalala ang mga hamon na naranasan nila bago ang kanilang pagtatapos.

Sa kanyang valedictory speech, inhirit ni Elumba sa kanyang mga kasamahan na laging gunitain ang kanilang cadetship sa darating nilang pagseserbisyo at laging iasabuhay ang katapangan, integidad, at katapatan sa serbisyong ito.

“Today is the day we have long awaited. Let us go forth and serve our nation with the character, skills, and education that the Philippine Military Academy has nurtured within us,” aniya.

“Pro deo, populus, et patria. For God, the people, and the country,” dagdag niya.

Ibinahagi ni Elumba ang kanyang mga karanasan sa apat na taong cadetship na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Our class has been commonly known as the pandemic babies since we began our plebehood year during the rise of COVID–19. This period was marked by the introduction of various protocols and safety measures to combat the pandemic resulting in distinctive reception rights quite unique among the other classes,” wika niya.

“[Now], the challenges of waking up to the early mornings of Baguio, the thin air, slopes… our cadetship in general is coming to a close. Today, as we graduate, we stand on the hallowed parading grounds of the Borromeo Field, finally able to see our parents, friends, and loved ones watching us with pride as we reflect on the four years of successes and failures that shaped our journey,” dagdag ni Elumba.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan din niya ang kanyang mga kaibigan at kapamilya.

“Throughout my cadetship, I simply focused on enjoying the experience, never imagining that I would have the opportunity to deliver a valedictory speech in front of the President, our Superintendent, and the entire class… However, I must acknowledge that none of these accomplishments would have been possible without the support of my [family]. To my buddies, squad leaders, to my first class, I am also deeply grateful,” pahayag ni Elumba.

Si Cadet First Class Janeth Elumba ay anak ng isang magsasaka mula sa Surigao City. Siya ang ika-pitong babaeng nanguna sa PMA graduating class.

Namayagpag siya sa “Bagong Sinag” Class of 2024, na nagtapos bilang Magna Cum Laude at nagkamit ng sumusunod na parangal:

  • Presidential Saber

  • Philippine Army Saber 

  • Jusmag Saber 

  • Australian Defense Best Overall  Performance Award (Army) 

  • Tactics Group Award, and

  • Army Professional Plaque

Papasok si Elumba sa Philippine Army pagkatapos ng kanyang PMA graduation.

Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa graduation rites at naghatid ng talumpati kung saan nanawagan siya sa mga nagtapos na magsakripisyo para sa bansa sa gitna ng mga banta sa national territory at mga nais buwagin ang mga Pilipino.

“We will vigorously defend what is ours, but our conduct is always guided by law and [by] our responsibility as a rules-abiding member of the community of nations,” giit ni Marcos. RNT/SA