Home NATIONWIDE Metro Manila naghahanda na sa hagupit ni bagyong Uwan

Metro Manila naghahanda na sa hagupit ni bagyong Uwan

424
0

MANILA, Philippines – Naghahanda ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila sa posibleng pagdating ng Super Typhoon Uwan, ayon kay Metro Manila Council president at San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Biyernes.

“Tuloy-tuloy ang paghahanda ng lahat ng Metro Manila LGUs,” ani Zamora, na nagsabing preposition na ang rescue equipment at relief goods, nililinis ang drainage systems, iniimbak ang langis para sa pumping stations, at pinuputol ang mga puno upang mabawasan ang panganib mula sa bumabagsak na sanga. Inihahanda rin ang mga evacuation center.

“Kinakailangan talaga huwag na tayong maghintay na yung kasagsagan ng malakas na pag-ulan, doon lang tayo lilikas. Kinakailangan bago palang ito tumama ay lumikas na po tayo,” dagdag niya, at pinayuhan ang maagap na paglilikas at tamang impormasyon sa mga residente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here