Home NATIONWIDE Mga abandonadong iskul, rerentahan ng DepEd para gawing klasrum

Mga abandonadong iskul, rerentahan ng DepEd para gawing klasrum

314
0

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng Department of Education (DepEd) ang pagrenta ng mga saradong pribadong paaralan at iba pang hindi nagagamit na mga pasilidad upang matugunan ang kakulangan sa silid-aralan, na umabot sa mahigit 165,000 noong 2022.

Sa pakikipagtulungan ng Student First Coalition at mga ahensiya ng gobyerno, nagsagawa ang DepEd ng Classroom Market Scoping Activity upang suriin ang mga magagamit na pasilidad at posibleng pakikipagtulungan sa pribadong sektor.

“Kung may mga paaralan o gusali na nakatambak lang at maaaring magamit, buksan natin ito para sa kapakinabangan ng mga mag-aaral na nangangailangan ng silid-aralan ngayon,” ani Secretary Sonny Angara.

Isa sa mga unang property na isinasaalang-alang ay ang 1,385-square-meter Pita Property sa Laguna, dating Rainbow Institute of Learning, na maaaring magbigay agad ng mga silid-aralan at pasilidad malapit sa Don Manuel Rivera Memorial Integrated National High School.

Ayon sa DepEd, ang inisyatibang ito ay papuno sa umiiral na mga programa sa imprastruktura, bilang mas mabilis na solusyon sa kakulangan ng silid-aralan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here