Home METRO Mga airport naka-alerto sa Undas 2025 – CAAP

Mga airport naka-alerto sa Undas 2025 – CAAP

290
0

MANILA, Philippines – Inilagay ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng paliparan sa buong bansa sa heightened alert status para sa inaasahang pagdami ng mga pasahero sa Undas 2025.

Inaasahan ng CAAP ang hindi bababa sa 5.8 milyong pasahero ngayong taon, isang 7–10 porsiyentong pagtaas kumpara sa 4.8 milyong pasahero na naitala noong 2024, na inaasahang bibiyahe mula Oktubre hanggang Nobyembre.

Ipinahayag ng CAAP chief na sinusuportahan ng kanilang inisyatiba ang mga direktiba nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na unahin ang kaligtasan ng mga pasahero at panatilihin ang mahusay na operasyon sa paliparan sa panahon ng pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos ng Department of Transportation (DOTr): Undas 2025, mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4, 2025.

“Malasakit Help Desks have been designated at all airports to assist travelers with their concerns. In addition, security personnel will remain on heightened alert to maintain order and ensure passenger safety, while medical teams will be on standby to provide immediate assistance in case of emergencies,” ayon sa CAAP.

Nakikipag-ugnayan na rin umano ito sa mga lokal na awtoridad, kabilang ang PNP-Aviation Security Unit, Office of Transportation Security, Department of Tourism, Civil Aeronautics Board, at mga airline para matiyak ang mahusay na pagproseso ng mga pasahero, lalo na sa mga check-in counter. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here