Home NATIONWIDE Mga akusasyon sa pagbitiw sa pwesto ni NBI Director Santiago, pinabulaanan ni...

Mga akusasyon sa pagbitiw sa pwesto ni NBI Director Santiago, pinabulaanan ni Clavano

234
0

MANILA, Philippines – “Napakahirap umanong paniwalaan ang mga sinumpaang salaysay at akusasyon lalo na kung walang ebidensya.” Ayon ito kay Justice Assistant Secretary Mico Clavano, hinggil sa umano’y pagkakaroon ng bagman ang National Bureau of Investigation (NBI).

Kaugnay pa rin ito sa irrevocable resignation ni NBI Director Jaime Santiago dahil sa alegasyon ng monthly collection o protection money.

Sinabi ni Clavano na kaya umano aniya inilabas ni Santiago ang akusasyon laban sa kanya ay upang maipakita niya sa buong bansa na wala katotohanan ang mga akusasyon.

“Kami naman sa DOJ–we always been and we always be on evidence base”, ani Clavano.

Dahilt dito, sinabi ni Clavano na hindi gagalaw o magsasagawa ng imbestigasyon ang DOJ sa mga alegasyon na walang supporting evidence.

Iginagalang aniya ng kagawaran ang desisyon ni Santiago at malaki ang tiwala nila sa kredibilidad at dignidad nito.

Samantala nauna ng sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na hindi na siya magtatalaga ng officer-in-charge sa NBI dahil nakasaad naman sa resignation letter na hindi muna iiwanan ni Santiago ang kanyang pwesto habang wala pa siyang kapalit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here