MANILA, Philippines – Hinimok ng United States Embassy in the Philippines ang mga Amerikano na manatiling alerto at mag-ingat kasabay ng paglulunsad ng mga pag-atake ng US at Israel sa Iran.
“Demonstrations may take place in the Philippines, including in the vicinity of the US Embassy,” saad sa abiso ng US Embassy.
Sinabihan din nito ang mga mamamayan na iwasan ang political demonstrations upang maiwasan ang paglabag sa local immigration laws at mag-ingat kapag nasa bisinidad ng mga malalaking pagtitipon.
“Follow instructions from local authorities,” sinabi pa ng embahada. RNT/JGC