Home NATIONWIDE Mga anak ng mga nakulong na surrogate mothers sa Cambodia iuuwi sa...

Mga anak ng mga nakulong na surrogate mothers sa Cambodia iuuwi sa Pinas – DOJ

102
0

MANILA, Philippines- Plano ng administrasyong Marcos na maibalik sa Pilipinas ang 13 Pinay surrogate mothers na hinatulan na ng korte sa Cambodia na makulong ng hanggang apat na taon.

Sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na dapat ituring na mga Filipino citizen ang mga sanggol.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang Philippine government sa mga opisyal ng Cambodia para maiuwi sa bansa ang 13 Pinay, pati na ang kani-kanilang paparating na mga anak.

Nabatid na isa sa mga Pilipina ay nanganak na sa loob ng kulungan.

Magugunita na hinatulan ng korte sa Cambodia na guilty sa kasong human trafficking ang 13 Pinay.

Naniniwala ang korte na may balak ang mga Pinay na ibenta ang kanilang mga anak doon kapalit ng pera na isang uri umano ng human trafficking.

Kasama sa hatol ang dalawang taong suspended sentence, na nangangahulugan na kailangan silang makulong muna sa Cambodia ng dalawang taon bago sila payagang makauwi sa kanilang bansa.

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs na binibigyan ng legal na tulong ang mga Pinay sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Cambodia.

Sinabi ni Ty na kung maiuwi ang mga sanggol sa Pilipinas ay dadalhin ang mga ito sa DSWD at sa National Authority for Child Care. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here